Wednesday, November 25, 2009

yung dating ikaw

Inabot saken ang date kong phone yung motorala, tinanong ko andito pa ba yung mga messages ko? oo andun pa nga. Isa isa kong binasa yung mga sms. Nde ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa mga nabasa ko. Mahal na mahal mo ko, nde mo kaya kapag nawala ko sa tabe mo, akin ka lang at sayo lang ako. Mahal mo pa rin naman ako di ba pero bakit parang iba na? Bakit parang na miss ko ng todo yung dating ikaw?

Tinext kita kagabe paguwe, Muah! Iloveu… nbasa ko ulit ung mga txt m date hehe nksave pa dun sa motorola ko.. sumagot ka ehehehe.. sweet e noh, hahaha muah. iloveyou tabachoy. sumagot ulit ako Hehe kaya namiss ko yung dateng kaw eh! tumunog ulit yung cellphone ko ganun naman dn ako baby. ndadala lng ng work ko. nakakabuwang. sabe ko n lang, alam ko naman yun baby. nakkamiss lang!

Hay, sabagay totoo naman yung sinabe mo eh simula ng nagkawork ka nagbago ang lahat. stress ka masyado. Tawag ko ng sayo grumpy old ——– . Minsan naiisip ko ikaw ba talaga yung kasama ko date? Ibang iba ka na kase ngayun eh…d na kita maramdaman. Minsan pag naglalakad tayo lumalayo ako, bakit? kase iniisip ko hahanapin mo kaya ako pag nawala ko sa tabe mo? Sa ‘kin pa din ba umiikot ang mundo mo? alam ko hinde na marame ng nagbago.. sabe mo date hinding hinde ka magbabago para saten, sabagay imposible naman yun eh. Lahat ng tao pate ang sarili ko ay nagbabago. Nagbago na ba ako? oo naman sa tingin ko malake ang pinagbago simula ng naging tayo kase gusto ko mag workout yung kung anu man ang meron tayo ngayun…

May mga bagay na hinde ko pa kayang pag usapan alam mo yan dahil nagiging emotional ako. Ayaw mo ng nakikita kong umiiyak di ba, kaya wag na lang natin pag usapan.. in time pag handa na ko marinig ang mga ganung bagay.

Naiisip ko lang, babalik pa kaya yung dateng ikaw? o kelangan kong tanggapin na iba ka na tlaga…

[Via http://buhayprinsesa.wordpress.com]

No comments:

Post a Comment